Sa lahat na ata ng mga fairy tales na nabasa ko, "once upon a time" ang dahilan kung bakit nagkakilala sina damsel in distress at prince charming.
Kahit din sa mga nobelang nabasa ko at mga pelikulang napanood ko, ang isang "chance encounter" lang ang nagtatakda na magkagustuhan ang dalawang tao. At sa dami dami na ng mga konseptong ipinakikita sa libro at sa telebisyon, madaling isipin na maaari rin iyong mangyari sa totoong buhay --- sa buhay mo.
Ngunit mahirap pa rin talagang masabi. Hindi mo alam... hindi mo alam kung kailan na magsisimula ang lahat. Walang makakapagsabi sa atin na, "Hoy! Action na! Papasok na ang leading man mo. Take 1!"
Wala tayong mga direktor na gagabay sa atin at lahat ng tao sa ating paligid ay maaaring maging aktor.
Paano kung dumating na ang ating mga buhay sa puntong "Lights. Camera. Action!"? Paano kung hindi ka pa handa at parating na siya? Paano kung akala mo siya na pero hindi pa pala? Paano kung siya na pero akala mo hindi pa?
Ang simula ng lahat ay napakahalagang bahagi ng ating buhay... lalo na ng buhay pag-ibig.
Sequence1: Unang Araw ng Pasukan
Ang mga kwentong ito ay nagsisimula sa eskwelahan. Ikaw ang tipo ng bida na nakikiramdam pa at umaasa na sana may bagong hatid ang taong iyon. Mula sa unang tapak mo sa bagong linis na sahig ng paaralan, nagsisimula na ang kwento mo.
Kita mo iyong lalaking nasa gilid, 'yong laging maagang pumasok at nagbabasa lang ng libro? Sa unang tingin ay parang dakilang tambay lang siya ngunit maaaring sa pagtagal ng panahon, siya ay maging malaking bahagi na ng buhay mo.
Kita mo iyong babaeng nirereto sayo ng kaklase mong makulit? Hindi mo man akalain, maaaring siya na ang bumihag sa puso mo.
Iilan lang iyan sa mga maaaring mangyari.
Mahalaga ang unang araw dahil ito ang dahilan upang gumanda ang mga susunod.

Sequence2: Ang Inaapi o Nasawi
Alam mong dadating na siya kapag naroon ka sa pinakamadilim na bahagi ng buhay mo. Kaya nga prince charming o knight in shining armor di ba? Ano pa bang gagawin nila? Malamang ay ililigtas ka!
Nagsisimula ang mga ganitong kwento sa mga eksena na luhaan ka... dahil mayroong bruha o maligno na iniinsulto ang pagkatao mo o kaya na ay niloko ka at nakipag-break na sayo.
Masakit di ba? Sobra.
Kaso nga lang, hindi ganoon kadali ang magmove-on at magpatawad. Hindi ganoon kadali ang makalimot.
Bakit? Masakit nga kasi. At kahit gaano pa ka-"walang kwenta" ng nanakit sayo, isa na siyang bahagi ng buhay mo na hindi ganoon kadaling kalimutan.
Alam mo ba ang feeling ng "pagkakalugmok"? Kung maalam ka ng Math, i-multiply mo iyon ng sampu at ramdamin mo ang ganoong pakiramdam sa loob ng isang minuto. Kaya mo ba?
Pagkatapos, isipin mong may nakikita kang liwanag sa harapan mo-- isang tipo ng liwanag na tinutuyo ang luhaan mong mukha. Lalapit ang liwanag at nandyan na siya.
Presto! Simula na ng pelikula.

Sequence3: Wala Na Bang Iba?!
Maiba naman tayo. Paano kung ang taong pinakanakakasakit sayo na ang "soulmate" mo?
"Archenemies" ang peg! (Pamagat po iyan ng nobela ko sa www.wattpad.com)
Mahirap maituro kung saan talaga nagsisimula ang mga ganitong kwento. Minsan ay parang karaniwang araw lang ngunit may kakaibang pagtatapos.
Isipin mo ito. Nakaupo ka sa isang lugar. May tumabi sayo. "Ang gwapo naman!", sabi mo sa isip mo. Akala mo ito na. Ito na talaga. Lingid sa iyong kaalaman, ang lalaking nakatabi mo pala ay gagawa ng isang munting kasalanan na hindi mo mapapalagpas. Pagkatapos, kahit gaano pa nakakabulag ang ngiti niya, hindi na kayo bati ever.
Maaari rin namang action scene na agad. Magsisimula ang lahat sa puntong sinasaktan ka na niya. Pagkatapos ay magkakatinginan kayo. May spark daw bigla. *iling ng ulo* Hindi maaari. Anong spark spark? Ngunit hindi mo na maitatanggi. May spark talaga.

Sequence4: Sa Paglayo ay Lumalapit
Para sa mga mahihilig gumala at lumipad patunggo sa iba't-ibang mundo, ito na ata ang "once upon a time" para sa inyo.
Iba ang pakiramdam mo kapag naroon ka sa isang lugar na malayong-malayo sa kinalakhan mo. Maaring matakot ka o kaya naman at magalak ka. May "thrill" ayon nga sa iba.
Ang hindi mo alam, sa iyong paglalakbay ay maaari ring magsimula ang bagong kwento. Ang lugar na iyong pupuntahan ay maaaring maging isang napakahalang lugar dahil doon mo siya nakilala. Ang lugar na iyon ay maaari ring maging taga-ingat yaman ng alaala ninyong dalawa.

Sequence5: Sa Tabi-tabi Lang Pala
Sikat na sikat ang kasabihang "love is blind". Ito na ata ang magpapatunay noon.
Hanap ka pa ng hanap, katabi mo na pala ang "the One". Maaring siya ang childhood friend na kabasaan mo sa ulan, si best friend na lagi mo nang inutangan o kaya naman ay si classmate na nasa kabilang sulok ng kwarto.
Ikaw naman kasi! Ang lawak-lawak ng imahinasyon mo. Ang love story ng ibang tao, gusto mo ganoon ang love story mo. Hindi mo tuloy napansin na ayan na pala. Kwento mo na. Nakiki-chismis ka pa kasi sa kapitbahay mong luka-luka.
Ang simula ng ganitong drama ay kalimitang di natin namamalayan dahil napaka-simple lang nila. Mga ordinaryong pangyayari sa ordinaryong lugar at oras -- iyon ang simula ng ganitong mga kwento. Sa huli mo na lang malalaman na siya na pala.
Madali tayong mabulag ng mga magagandang fairy tales kaya't minsan nag-eexpect tayo ng kakaibang bagay. Hindi natin alam na ang pinaka-simpleng kwento ang nagdadala ng pinakatotoong uri ng pag-ibig.
Sa pagkahaba-haba ng aking dinaldal dito, iisa lang naman ang punto ko.
------------------------------------------------------------------------
A Portion of Cupid says:
"How does a person know if his or her love story is about to start?"
Dumating siya. Tumibok ang puso ko. Malabo pa rin eh. Ewan. Bahala na.

Laging mayroong story before the love story. Hindi mo alam kung kailan ang simula kaya't mahirap paghandaan. Ngunit minsan, hindi na pala kailangan.
------------------------------------------------------------------------
A Portion of Cupid says:
"How does a person know if his or her love story is about to start?"
Dumating siya. Tumibok ang puso ko. Malabo pa rin eh. Ewan. Bahala na.
=_=
TumugonBurahinHello! You've won a Summit chick lit book from me! Please email me at minavesguerra@gmail.com :)
TumugonBurahin